
Binisita nina DOTr Secretary Vince Dizon at °µÍø³Ô¹ÏGeneral Manager Jay Santiago kasama ng iba pang opisyal ng pamahalaan ang Matnog Port sa Sorsogon kasabay ng pagpupulong para sa modernisasyon ngÌý nasabing pantalan.
Ìý
09 MAYO 2025 — Mas pinalawak na imprastruktura at mas ligtas na biyahe— ito ang pangunahing pangakong bitbit nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon at Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago sa kanilang pagbisita ngayong Biyernes (Mayo 6, 2025) sa Port of Matnog kasama ng iba pang mga opisyal ng pamahalaan.
Sa isinagawang inspeksyon nina Secretary Dizon at GM Santiago, kasama sina Senate President Chiz Escudero at Sorsogon Governor Edwin Hamor, napagkasunduan ng mga opisyal na ipagpatuloy ang second phase ng Sorsogon RORO Terminal Complex upang mas mapalawak ang kapasidad ng pantalan at matugunan ang lumalaking bilang ng mga pasahero at sasakyang tumatawid patungong Northern Samar at pabalik, lalo na tuwing peak season. Sa tala ng PPA-Port Management Office Bicol, nasa 2,000 ang normal daily average passenger traffic sa Matnog Port, habang ngayong nalalapit na Eleksyon 2025 umakyat na ito sa 8,500 daily average passenger simula Mayo 3, 2025.
Kabilang din sa mgaÌýnapag-usapan ang planong pagtatayo ng breakwater sa tapat ng pantalan upang masiguro ang kaligtasan ng mga barko lalo na sa panahon ng pag-iral ng Amihan o Northeast monsoon, kung kailan madalas ang malalakas na alon at hangin.
Bilang tugon sa kakulangan ng barkong bumabiyahe sa ruta ng Matnog–Northern Samar, inatasan ni Secretary Dizon ang Maritime Industry Authority (MARINA) na hikayatin ang pagpasok ng mas maraming shipping lines at bilisan ang pagproseso ng Certificate of Public Convenience (CPC) para sa mga aplikanteng nais magbigay ng serbisyo sa nasabing ruta. Batay sa aktuwal na obserbasyon at datos, hindi na kinakaya ng kasalukuyang bilang ng barko ang dami ng pasahero at sasakyang tumatawid, lalo na sa mga panahon na mataas ang demand.
Bukod dito, nakatakda ring itayo ang modernong Passenger Terminal Building (PTB) na may mas malawak na kapasidad para sa mga pasahero at sasakyan, gayundin ang mga bagong pasilidad upang mapahusay ang serbisyo sa publiko. Kasama sa disenyo ng bagong PTB ang mga overhead walkways na mag-uugnay mula sa terminal papunta sa mga RORO ramp, na layuning masiguro ang kaligtasan at kaginhawaan ng publiko sa pagsakay at pagbaba sa mga barko.
Ang mga hakbanging ito ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng DOTr at °µÍø³Ô¹Ïna isulong ang modernisasyon ng mga pangunahing pantalan sa bansa at tiyaking episyente, ligtas, at maayos ang serbisyo sa mga Pilipino at dayuhang pasahero na gumagamit ng mga pantalan.
###