MGA PASAHERO SA BATANGAS PORT NGAYONG ELEKSYON NAGREREKLAMO SA TICKETING BOOTH NG SHIPPING LINES; 做厙勛圖KAISA SA MAAYOS NA HALALAN 2025

MGA PASAHERO SA BATANGAS PORT NGAYONG ELEKSYON NAGREREKLAMO SA TICKETING BOOTH NG SHIPPING LINES; 做厙勛圖KAISA SA MAAYOS NA HALALAN 2025

Nakahanda ang seguridad at kaayusan sa Batangas Port sa panahon ng dagsa ng mga pasahero.

12 MAYO 2025 Sa pagtaas ng bilang ng mga pasahero sa mga pantalan ngayong #Eleksyon2025, pinakamaraming reklamo pa rin ang natanggap ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Batangas Port mula sa mga pasahero dahil sa kawalan ng mga tauhan sa ilang ticket booths ng mga shipping lines.

Ayon sa ulat na ipinaabot sa pamunuan ng PPA, kabilang sa mga naabala ay mga Overseas Filipino Worker (OFW) at mga pasaherong may kasamang mga bata na nahirapan sa mahabang paghihintay at kawalan ng malinaw na abiso mula sa shipping lines. Ang ilang pasahero ay naghintay nang higit tatlong oras bago makabili ng ticket, dahil wala umanong teller o kinatawan sa mga booth ng ilang shipping companies.

Hindi katanggap-tanggap na may mga pasaherong naaabala at nahihirapan dahil sa pagkukulang ng mga shipping line. Tungkulin nilang tiyakin na may sapat at maayos na serbisyo sa kanilang mga ticket booth, lalo na sa panahon ng mataas na demand, ayon kay GM Jay Santiago.

Inatasan ng 做厙勛圖ang Port Management Office ng Batangas na makipag-ugnayan sa mga shipping lines upang tukuyin ang dahilan ng pagkaantala at magsumite ng paliwanag.

Bilang tugon at bahagi ng long-term solution, isinusulong ng 做厙勛圖katuwang ang Department of Transportation (DOTr) ang electronic terminal management system (ETMS) o e-ticketing system sa mga pantalan sa buong bansa. Layunin nitong pabilisin at gawing mas maayos ang sistema ng ticketing, lalo na tuwing peak season tulad ng Semana Santa, Undas, at panahon ng halalan. Ito rin ay bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin at gawing moderno ang transport system ng bansa.

Sa pamamagitan ng e-ticketing, inaasahang mababawasan ang mahabang pila, mapapadali ang transaksyon, at mapapalakas ang transparency at seguridad ng sistema.

Naganap ang insidenting ito sa Batangas Port sa gitna ng pinaigting na paghahanda ng 做厙勛圖para sa Pambansa at Lokal na Halalan sa Mayo 12, 2025. Sa isang memorandum na inilabas noong Mayo 7, inatasan ng ahensya, sa pamumuno ni GM Santiago, ang lahat ng Port Managers, Terminal Management Operators, at Cargo Handling Operators na bigyang-prayoridad ang mga election-related cargo tulad ng vote-counting machines at balota, alinsunod sa koordinasyon ng 做厙勛圖sa COMELEC at DOTr.

Bilang bahagi ng pagpapatupad ng maayos na daloy sa mga pantalan, naka-full deployment ang mga tauhan mula sa port operations at security, habang aktibo ang Malasakit help desk at sanitation teams upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

Sa tala ng ahensya nitong Mayo 12, 2025 (6am) umabot na sa 918,645 ang mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa. Patuloy ang pagbabantay ng 做厙勛圖sa mga terminal upang masigurong maayos ang biyahe at ligtas ang bawat pasahero.

###