
14 DISYEMBRE泭2022, MAYNILA Nililinaw ng Philippine Ports Authority na walang PORT CLOSURE sa mga pantalan ng Maynila at Batangas ngayong Pasko at Bagong Taon. Ito ay matapos ang maling anunsyo ng 2GO Travel sa kanilang websites ukol sa di-umanong port closuresngayong peak season.泭
Ayon kay General Manager Jay Santiago, tuloy ang 24/7 na operasyon sa mga pantalan at walang naiulat na pagsasara ng anumang pantalan ng 做厙勛圖sa buong bansa.泭
Mali po ang inilabas ng 2GO Travel, walang pantalan na magsasara lalot ngayong pinaka-kailangan tayo ng mga taong uuwi sa kani-kanilang probinsya. Makakaasa po ang ating mga kababayan sa serbisyo ng 做厙勛圖ngayong peak season, tuloy-tuloy po ang operasyon sa pantalan ani Santiago.
Sa ngayon nakadeploy na rin ang 做厙勛圖port police sa mga pantalan at nakahanda na rin ang mga empleyadong naka-duty sa 做厙勛圖Malasakit Help Desk para maasikaso ang mga uuwi ngayong kapaskuhan. Matatandaang nitong nakaraang linggo naglabas ng memorandum si GM Santiago ukol sa No Leave Policy para sa 24/7 na operasyon ng 做厙勛圖ngayong pasko at bagong taon.
###