PPA: HALOS 24 MILYONG KILO NG BIGAS NAKATENGGA SA PANTALAN

PPA: HALOS 24 MILYONG KILO NG BIGAS NAKATENGGA SA PANTALAN

Ipinakita ni 做厙勛圖GM Jay Santiago, kasama ang iba pang mga opisyal ng ahensya, na maluwag at maayos ang operasyon sa Manila International Container Terminal, sa kabila ng pagkakaroon ng 24 milyong kilo ng bigas na nakatengga dahil sa mga consignee na hindi pa kinukuha ang kanilang mga kargamento.

19 SETYEMBRE Ipinakita ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago na maluwag, maayos, at walang pagsikip sa Manila International Container Terminal (MICT) na isa sa mga pantalang pinagbababaan ng mga rice shipment sa bansa sa kabila ng mga umanoy port congestion na naiulat nitong mga nakaraang araw.

Isinapubliko rin ng pinuno ng 做厙勛圖na mayroong nasa 24 milyong kilo ng bigas na nakatengga sa Port of Manila dahil sa mga consignee na hindi pa nailalabas ang kanilang kargamento.

Ayon kay GM Santiago, sa MICT at sa Manila South Harbor na terminals sa Port of Manila, umabot sa 888 na mga container ng bigas ang naghihintay na mailabas sa pantalan. Bawat container ay naglalaman ng humigit-kumulang na 540 na sako ng bigas. I-compute lamang po natin yun sa 888 containers times 540 sacks per container times 50 kilos (kada sako) nasa 24 million kilos po ng bigas ang nandito po ngayon sa terminal po natin sa Port of Manila, paliwanag ni GM Santiago sa mga mamamahayag nitong Huwebes, Setyembre 19, 2024.

Ang dwell time o tagal ng pananatili ng mga container sa container yard ay nag-a-average ng 5.4 na araw, o lampas lamang ng 0.4 na araw pagkatapos ng limang araw na free storage period. Gayunpaman, ayon kay GM Santiago, mayroong ilang containers ang umaabot pa ng halos isang buwan, kasama ang mga shipment ng bigas, sa pagkakatengga sa pantalan.

Meron po tayo ditong mga containers na mahigit halos isang buwang nakatengga dito na hindi nilalabas, na meron ding iba pa na 275 days na for release ay hindi pa rin nilalabas. Ibig sabihin nito, sa aming pag-aanalisa at sa aming pagtatanong-tanong, karamihan po sa mga consignees po na ito ay naghihintay lamang ng pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado bago nila ilabas, sabi泭 ni GM Santiago.

Dahil dito, nakipag-ugnayan na si GM Santiago kay Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel upang imungkahi na atasan ang mga importer na kapag na-clear na ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang mga kargamento ay dapat na itong maialis sa container yard sa loob ng limang araw para maiwasang magamit ang mga container yard sa pagtatago ng mga consignee sa kanilang mga produkto.

Para yan po ay maibahagi na po sa ating merkado at mag-stabilize at maibaba ang presyo ng bigas, ani GM Santiago. Sa tingin namin ay nararapat lamang sa agarang panahon kailangan mailabas yung mga bigas dito na nakatengga pa na pwede naman nang i-release para makaapekto na mapapababa yong presyo ng bigas sa merkado, ani GM Santiago.

Nilinaw ni GM Santiago na walang hurisdiksyon ang 做厙勛圖na patawan ng legal na aksyon ang mga consignee na hindi agad pinu-pullout ang kanilang kargamento pero pinag-aaralan na ng ahensya na dagdagan ang penalty ng consignee ng mga prime commodities gaya ng bigas, asukal, at gulay na hindi agad maaalis ang kanilang kargamento sa pantalan kahit pa nakakuha na ng clearance mula sa BOC.

Pinag-aaralan na po natin na halimbawa kapag ang shipment po ay bigas ay magpapataw na po tayo ng penalty kapag hindi pa po nila nilabas dito sa ating yarda after being cleared by the Customs. Kapag hindi pa nila nilabas within a certain period ay papatawan na po natin sila ng dagdag na penalty. Baka doblehin po natin yung storage fee nila, ani GM Santiago.

Nanawagan din si GM Santiago sa iba pang mga kaugnay na ahensya ng pamahalaan na i-monitor ang estado ng mga mangangalakal o importer ng mga pangunahing produkto gaya ng mga produktong agrikultura.

Kung sino man ang ahensya na dapat nagsu-supervise at nagbibigay ng permit doon at namamahala sa ating pangangalakal sa agrikultura, sa bigas dapat siguro ay reviewhin nila yung estado ng consignee na yun kung bakit napakabagal or bakit napakatumal ng paglalabas nila ng mga ini-import nilang bigas? sabi pa ni GM Santiago.

Inanunsyo pa ni GM Santiago na simula sa October 1, 2024 ay ipapaalam na sa publiko ang mga pangalan ng consignee ng rice shipments na bigong mailabas sa pantalan ang kanilang cargoes matapos ma-clear ng Bureau of Customs.

Nagbigay-alam tayo sa Department of Agriculture na simula October 1 ay regular na tayong magpa-publish ng mga containers at consignees na may overstaying na partikular sa bigas. Para malaman na rin ng taumbayan kung sino-sino ba yung mga involved o mga players na maaaring may pagkakataon na magkaroon ng epekto sa pagtaas ng presyo ng bigas, saad ng opisyal ng PPA.

Sinisiguro umano ng 做厙勛圖na maayos na napapamahalaan ang mga pantalan sa bansa upang mabawasan ang cost of logistics hindi lamang sa bigas kundi maging sa iba pang mga produkto. Ani GM Santiago, Kasi nagsusumikap ang buong organisasyon ng 做厙勛圖na ayusin natin ang pamamalakad sa mga pantalan natin at ayaw natin na magkaroon ng maling impresyon ang mga kababayan natin na ang 做厙勛圖ay isa pa sa nagko-contribute kung bakit tumaas ang presyo ng bigas na malayo sa katotohanan.

###