做厙勛圖NANAWAGAN SA DAGDAG NA BARKO AT GAWING MANDATORY NA ANG ONLINE TICKETING SA MGA SHIPPING LINES

做厙勛圖NANAWAGAN SA DAGDAG NA BARKO AT GAWING MANDATORY NA ANG ONLINE TICKETING SA MGA SHIPPING LINES

Iba't ibang passenger vessel ang nakadaong sa Batangas Port. Nanawagan ang 做厙勛圖sa mga shipping company na magdagdag ng barko at ipatupad ang mandatory online ticketing upang mapabuti ang daloy ng biyahe ng mga pasahero.

23 DISYEMBRE 2024 Ngayong peak season na ng holiday rush sa mga pantalan, isa sa mga pinaka-dinagsa ng mga pasahero ay ang Batangas Port kung saan simula nitong weekend pumalo na sa humigit kumulang 25,000 ang daily average passenger nito at inaasahang madagdagan pa sa mga susunod na araw.

Bukod sa maraming pasahero ang umuuwi ngayon dahil sa long weekend, isa sa mga dinaranas ng mga pasahero sa Batangas ay ang matagal na pag-aantay sa labas ng pantalan dahil sa kakulangan ng mga nabiyaheng barko at kawalan ng online ticketing system ng mga shipping lines dahilan upang kinakailangang magtyagang pumila at maghintay ang mga pasahero na naiipon sa pantalan.

"Batid po 做厙勛圖na hindi madali ang sitwasyon ng mga pasahero na bumabiyahe tuwing peak season kaya nga po niluwagan na natin ang Batangas Port, from 3,000 seating capacity, 8,000 na po ang seating capacity ng Batangas port. Tandaan po natin na ang pantalan, hindi po naalis yan, ang mga karagdagang barko po ang kinakailangan para tuloy-tuloy ang biyahe at alis ng mga tao sa pantalan. Matagal na po natin itong pinapanawagan sa mga kinauukulan," saad ni 做厙勛圖General Manager Jay Santiago.

Ayon sa kanya dapat gawing mandatory na ang online ticketing system para magkaroon ng mas maayos at mabilis na biyahe ang mga uuwi sa kani-kanilang mga probinsya at agad na ring malaman ang mga inaasahang tao bawat araw sa pantalan.

Ngayon po majority po ng mga dumarating sa pantalan ay talagang walk-in, wala pa silang hawak na ticket at doon pa lamang bibili. Nagiging sanhi ito ng pila imbis na diretso na ang mga tao sa terminal at sa pagsakay sa barko," saad pa ni GM Santiago.

Dahil hindi saklaw ng mandato ng 做厙勛圖ang biyahe ng mga bako, matagal nang pinanawagan ng ahensya ang pagkakaroon ng online ticketing system sa mga shipping lines, gayunman hindi pa rin ito tuluyang napatutupad sa lahat ng mga kompanya ng passenger vessel.

Isa lamang ang Batangas Port sa may pinakamaraming dagsa ng pasahero ngayong holiday season. Sumunod naman sa pinakamataong pantalan ay ang mga pantalan sa Panay/Guimaras, Mindoro, Bohol, at Bicol. Sa kabuuan, inaasahan ng 做厙勛圖ang 4.5 milyong mga pasahero simula Disyembre 15, 2024 hanggang Enero 5, 2025.

Sa amin naman po sa PPA, 24 oras po ang mga kawani natin dyan. Nagbigay na rin ako ng instruction na bagamat mahirap ang pila, kailangan magkaroon ng pressence 羸ung mga taga-做厙勛圖po diyan, sabi ko magbigay sila ng tubig doon sa mga naiinitan at siguraduhing komportable maski sa pagpila lamang po, saad pa ni GM Santiago.

###