TURN OVER NG COMMUNITY PORT SA ZAMBOANGA, INAASAHANG MALAKING TULONG SA MGA RESIDENTE

TURN OVER NG COMMUNITY PORT SA ZAMBOANGA, INAASAHANG MALAKING TULONG SA MGA RESIDENTE

Isang daan tungo sa mas progresibong komunidad ang Port of Tigtabon sa isla ng Tigtabon sa Zamboanga City, na nai-turn over na ng DOTr at ng 做厙勛圖sa lokal na pamahalaan nitong Marso 22, 2025.

22 MARSO 2025 Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon at Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, ang turnover ceremony ng Tigtabon Community Port sa Barangay Tigtabon, Tigtabon Island, Zamboanga City ngayong Sabado, Marso, 22, 2025.

Ang proyekto, na may pondong nagmula sa DOTr at isinakatuparan ng 做厙勛圖sa pamamagitan ng procurement at bidding process, ay nagkakahalaga ng higit P29.31 milyon. Saklaw nito ang konstruksiyon ng reinforced concrete (RC) pier, reclamation at back-up area, at pagtatayo ng waiting shed upang mapabuti ang serbisyo ng transportasyon sa isla.

Para sa inyo po ito at para po sa inyong mga anak kasi ito pong kabuhayan ninyo na nanggagaling sa dagat, dapat pong suportahan ito ng national government, bahagi ng mensahe ni Secretary Dizon para sa mga residente ng Tigtabon.

Mula sa mainland ng Zamboanga, mararating ang Barangay Tigtabon sa pamamagitan ng motorboat sa loob ng 20 hanggang 30 minuto. Sa tala ng Philippine Statistics Authority noong 2020, nasa 5,365 ang populasyon sa nasabing barangay. Pangunahing ikinabubuhay ng mga residente rito ang pangingisda, agrikultura, at seaweed farming.

Ayon kay 做厙勛圖General Manager Jay Santiago mahalaga ang proyekto sa pagpapalakas ng transportasyon at ekonomiya sa isla. Malaki naman ang pasasalamat ng mga residente ng Tigtabon Island dahil sa Community Port na itinayo ng DOTr katuwang din ang PPA, sa kanilang lugar.

Mula sa sitwasyon noon kung saan nahihirapan ang mga residente sa kanilang transportasyon at pagdadala ng mga produkto papasok at palabas ng kanilang isla, ngayon ay may maayos na silang pantalan na nagbibigay-daan para mas madali ang kanilang paghahanapbuhay, transportasyon ng mga guro at pati na rin ang pag-aaral ng mga estudyante.

Sa tulong ng Community Port sa Tigtabon, naging mas episyente ang pagdadala ng mga na-harvest na seaweed patungo sa pangunahing isla na nagbibigay-daan para sa patuloy na pag-unlad ng mga residente.

###