DOTR NAG-INSPEKSYON SA PINAKAMATAONG PANTALAN NGAYONG SEMANA SANTA; E-TICKETING SYSTEM BUBUHAYIN BAGO MAGTAPOS ANG TAON

DOTR NAG-INSPEKSYON SA PINAKAMATAONG PANTALAN NGAYONG SEMANA SANTA; E-TICKETING SYSTEM BUBUHAYIN BAGO MAGTAPOS ANG TAON

Pinangunahan nina DOTr Secretary Vince Dizon at 做厙勛圖General Manager Jay Santiago ang inspeksyon sa Port of Batangas ilang araw bago ang pagsisimula ng Semana Santa.

10 ABRIL 2025 Nagsagawa ng inspeksyon si DOTr Secretary Vince Dizon sa Port of Batangas na numero uno sa listahan ng pinakamaraming pasahero ngayong Semana Santa sa tala ng Philippine Ports Authority (PPA), kung saan higit dalawampung libo ang inaasahan na pasahero dito mula sa kabuuang humigit kumulang na 1.73 milyong mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa ngayong Semana Santa.

Upang matiyak ang kahandaan at kaligtasan ng mga pasahero sa pantalan na inaasahang dadagsa ngayong Semana Santa, pinangunahan ni DoTr Secretary Dizon at 做厙勛圖Genaral Manager Jay Santiago ang paglilibot sa ibat ibang pasilidad ng pantalan kabilang ang passenger entrance, ticketing booths, x-ray baggage scanners, passenger lounge, restroom, food stalls, at boarding gates papunta sa mga barko. Layunin ng kanilang pagbisita na tiyaking maayos, ligtas, at komportable ang daloy ng mga pasahero sa isa sa pinakamataong pantalan tuwing Semana Santa.

Dito, pinuri ng kalihim ang mga isinagawang pagbabago sa Batangas Port. Kung noon, masikip ang kalsada papasok sa Passenger Terminal Building at nadadaanan ang mga fixer, ngayon ay maluwag at wala na rin ang mga nag-aalok ng iligal na aktibidad.

Ngayon pagbaba nila sa kalye, diretso na sila sa loob, covered yung walkway at meron pang mga trolly para sa mga medyo may mabibigat na maleta. Meron ding mga shuttle para sa mga senior at PWD and pagpasok mo naman dito sa terminal, para kang nasa mallmaayos na maayos, ani Secretary Dizon. 泭

Bukod sa Batangas Port, kabilang sa top 5 na pinakamaraming pasahero ngayong semana santa ay ang Port Management Office (PMO) Mindoro, Panay/Guimaras, Negros Oriental/Siquijor, at Bohol. Inaasahang magsisimula sa Martes (Abril 14) ang pagdasa ng mga pasahero na uuwi ng kani-kanilang mga probinsya.

Samantala, inanunsyo rin ni Secretary Dizon ang joint memorandum circular sa pagitan ng DOTr, PPA, Philippine Coast Guard, at Maritime Industry Authority para mapanagot ang mga may-ari ng sasakyang pandagat na mapapatunayan na nag-overloading ng kanilang mga pasahero.

Ang joint memorandum circular na yon ay tungkol sa Anti-Overloading. Ang pinakaimportante lalo na sa panahon na marami ang bumabiyahe ay yung safety ng ating mga kababayan and yung pinakamalaking problema dyan ay yung overloading at hinding-hindi natin pwedeng payagan yan. So, nandito ang mga kasamahan natin sa Coast Guard, nandito ang 做厙勛圖para masigurado natin na nagko-coordinate sila para walang overloading, sabi pa ng kalihim.

Dagdag pa ni Secretay Dizon, Kapag may na-violate, medyo mabigat ang i-impose natin pwede kang ma-suspend, pwedeng makansela ang lisensya nila at malaki-laki ang fines.

Kaugnay nito, nagpasalamat din si Secretary Dizon sa 做厙勛圖sa pamumuno ni GM Santiago dahil sa Electronic Ticketing System nito na magpapabilis sa proseso ng pagbili ng ticket ng mga pasahero at maiiwasan din ang pagkakaroon ng overloading dahil natitiyak na hindi makapagbebenta ng ticket na higit sa capacity ng barko at maiiwasan din ang mga fixer o nagbebenta ng mas mahal na ticket.

Napakaganda nito lalo sa mga pasahero natin, gagawin na ng PPA安ithin the next few months basta within this year, maro-rollout na yan, aniya. Kapag may e-ticketing na tayo, wala nang masyadong pila.

Sa mga nakalipas na linggo, mas pinaigting ng 做厙勛圖ang koordinasyon nito sa ibat ibang ahensya ng gobyerno at mga shipping line upang mapabilis ang serbisyo sa mga pantalan. Kabilang dito ang pagpupulong ng mga PMO at sunod-sunod na inspeksyon para tiyakin ang kahandaan ng kanilang mga terminal.

Matatandaan na una nang nagsagawa ng inspeksyon sina DOTr Secretary Dizon at GM Santiago sa ilang pantalan sa Visayas at Mindanao para tiyaking maayos ang serbisyo na naibibigay sa mga pasahero.

###