02 ENERO 2025 Matapos ang long weekend bunsod ng Pasko at Bagong Taon, inaasahan ang muling pagbabalik ng mga pasahero sa mga pantalan sa paparating na weekend na papalo sa 674,000 mula Enero 3-5, 2025 base sa passenger forecast at datos mula noong nakaraang taon ng Philippine Ports Authority (PPA).
Simula noong Disyembre 15, 2024 hanggang nitong Enero 2, 2025 ay umabot na sa higit 3.6 milyon ang total passenger traffic sa mga pantalan na madadagdagan pa dahil sa mga pabalik pa lamang matapos ang holiday break.