
13 SETYEMBRE 2023, MANILA 泭Mahigit 8,000 na puno ang naitanim ng mga empleyado ng Philippine Ports Authority (PPA) sa ibat-ibang pantalan sa bansa ngayong ika- 13 ng Setyembre 2023 bilang pakikiisa nito sa paglaban sa climate change at bilang pakikibahagi sa Lingap at Alagang Bayanihan (LAB) for all sa kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ngayong araw.
Pagpatak ng alas-8 ng umaga, nagsimula na ang sabayang pagtatanim ng mga puno sa paligid ng pantalan na kinabibilangan ng mga sumusunod na Port Management Offices (PMO):
PMO NORTHERN LUZON - 200 seedlings
PMO NCR NORTH and PMO NCR SOUTH - 2,000 seedlings (La Mesa Eco Park)
PMO BATANGAS - 300 seedlings
PMO BICOL - 300 seedlings
PMO MINDORO - 300 seedlings
PMO MASBATE - 100
PMO MARQUEZ - 100 seedlings
PMO PALAWAN - 300 seedlings
PMO EASTERN LEYTE SAMAR - 500 seedlings
PMO WESTERN LEYTE/ BILIRAN - 100 seedlings
PMO NEGROS ORIENTAL SIQUIJOR - 100
PMO NEGROS OCCIDENTAL BBB - 70
PMO BOHOL - 100 seedlings
PMO AGUSAN - 300 mangium seedlings
PMO ZAMBOANGA - 300 propagules
PMO ZAMBOANGA DEL NORTE - 100
PMO DAVAO - 300
PMO SURIGAO - 2,000
PMO MISAMIS ORIENTAL CAGAYAN DE ORO - 300
PMO MISAMIS OCCIDENTAL OZAMIZ - 300 seedlings
PMO LANAO DEL NORTE/ ILIGAN - 100 seedlings
TOTAL: 8,170
Bago pa man ang isignagawang tree planting ngayong araw, matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na nagtanim ng mga puno ang PPA. Alinsunod sa Republic Act No. 9729 o ang "Climate Change Act of 2009, naglabas ng Administrative Order No. 14-2020 ang 做厙勛圖na nagmamandato sa mga aplikante at kontraktor na magtanim ng 1,000 na puno o mangrove sa pakikipagtulungan sa Community Environment and Natural Resources Offices ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Una ng nagbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga ahensya ng gobyerno na magkaroon ng flood-control infrastructure projects matapos ang naging pananalasa ng bagyong Paeng sa pagsisimiula ng taong 2023.
Bukod sa tree planting, nagsagawa rin ng feeding program ang 做厙勛圖sa humigit kumulang 2,500 na mga pasahero at gumagamit ng pantalan mula sa PMO NCR North at South Harbor sa Luzon, PMO Negros Occidental/ Siquijor sa Visayas, at PMO Zamboanga at Surigao sa Mindanao.
Sa pagtutulungan at bayanihan ng bawat isa sa pantalan sa inisyatiba ng gobyerno, ang pagbangon at pag-unlad ay abot-tanaw.
###
泭