PPA, PCG PINATATAG ANG KOORDINASYON PARA SA KALIGTASAN AT KAAYUSAN SA MGA PANTALAN NGAYONG SEMANA SANTA 2024

PPA, PCG PINATATAG ANG KOORDINASYON PARA SA KALIGTASAN AT KAAYUSAN SA MGA PANTALAN NGAYONG SEMANA SANTA 2024

ppanews

20 MARSO 2024, MAYNILA —ÌýPinaigting ng Philippine Ports Authority (PPA) sa pamumuno ni General Manager Jay Santiago at ng Philippine Coast Guard (PCG) Southern Tagalog ang kanilang ugnayan Ìýpara sa kaligtasan at seguridad ng mga pasahero sa mga pantalan ngayong Semana Santa 2024 sa kanyang pagbisita sa Batangas Port.

Sa isinagawang coordination meeting nitong Miyerkules (Marso 20, 2024) nag-usap ang mga opisyal ng °µÍø³Ô¹Ïat PCG kasama sina Vice Admiral Robert Patrimonio, Vice Admiral Joseph Coyme, at Commodore Geronimo Tuvilla, upang pagtibayin ang kanilang koordinasyon at tiyaking maayos ang mga sistema na ipinatutupad sa mga pantalang nasa Timog Katagalugan na isa sa pinakamatao ngayong semana santa. Layunin din nito na mapag-usapan kung saang mga aspekto makatutulong ang bawat maritime government agency upang mapaganda pa ang serbisyo sa publiko.Ìý

"Hindi lang kami ang nagpapatakbo ng pantalan, tayo 'yun. Let's try to encourage na mag-usap muna para 'pag labas sa meeting room ay iisa ang kumpas. Alam ng °µÍø³Ô¹Ïang gagawin niya, alam ng PCG ang gagawin niya, alam ng MARINA ang gagawin niya," saad ni GM Santiago sa nasabing pagpupulong na isinagawa sa °µÍø³Ô¹Ïbuilding ng Port Management Office ng Batangas.Ìý

"Para magkaroon ng kumpiyansa ang publiko na lahat ng ahensiyang nagpapatakbo [sa mga pantalan] lalabas na alam ang ginagawa, iisa ang tiyempo," dagdag pa ni GM Santiago.Ìý

Sa panig ng PCG, magde-deploy ang ahensya ng dagdag na K9 units at sapat na security personnel na katuwang ng °µÍø³Ô¹Ïpara sa pagpapatupad ng mga regulasyon para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero sa pantalan.Ìý

Napag-usapan din sa nasabing pagpupulong ang isyu ng singitan sa pila ng mga sasakyan at ang mga pasahero na papasok sa pantalan. Binigyang-diin ni GM Santiago na kinakailangan ng masusing pagsasaayos sa sistema na angkop sa pangangailangan ng publiko at dapat na maipatupad upang maging mas maayos ang biyahe tuwing peak season.Ìý

Pagkatapos ng pagpupulong, nag-inspeksyon si GM Santiago sa Passenger Terminal Building (PTB) ng Port of Batangas, ang isa sa mga pantalan na may pinakamaraming dumadaang pasahero tuwing peak season. Inikot ni GM Santiago ang mga pasilidad nito gaya ng mga restroom, food stalls, ticketing booths, at baggage security scanner kung saan dumadaan ang mga bagahe ng mga biyahero upang tiyaking walang nakakalusot na mga ipinagbabawal na gamit o produkto.Ìý

Siniguro rin ng °µÍø³Ô¹Ïang kalinisan sa pantalan sa pamamagitan ng maya’t mayang paglilinis o sanitation sa mga restroom, mga upuan, at iba pang pasilidad sa PTB, ito’y upang mabigyan ng maginhawa at maayos na biyahe ang mga uuwi at magbabakasyon sa kani-kanilang mga probinsya. Tiniyak din ng opisyal ng ahensya na walang surot ang mga upuan ng mga pasahero na naghihintay ng kanilang biyahe, at malamig ang temperatura sa pasilidad.Ìý

"Pakiusap lang po sa ating mga kababayan, ito po ay terminal ng buong bansa, alagaan po natin," paalala ni GM Santiago.Ìý

Nagsagawa rin ng demonstration para sa dalawang electric vehicle sa loob ng PTB na tutulong sa mga senior citizen o may kapansanan na mas madaling makapasok sa loob ng terminal.

Para naman sa kaligtasan ng mga ibinebentang pagkain sa pantalan, pinaalalahanan ng PMO Batangas ang mga may-ari ng food stalls para sa tamang pag-handle ng mga pagkain upang maiwasan ang food spoilage.Ìý

###