
12 DISYEMBRE 2023, MAYNILA Kasado na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mas pinag-igting na seguridad at pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan at kaginhawaaan ng mga pasahero na inaasahang dadagsa sa mga pantalan ngayong holiday season simula Dec. 16, 2023-Jan 15, 2024 kung saan inaasahan ang 5.1 milyong mga pasahero mula sa dating 4.7 milyong pasahero noong 2022.
Ayon kay 做厙勛圖General Manager Jay Santiago, maagang nakapaghanda ang mga pantalan sa ilalim ng 做厙勛圖na nakapagbukas na ng mas pinalawak na passenger terminal buildings ngayong taon para sa dagsa ng mga pasahero, gaya na lamang sa Port of Batangas na isa sa pinakamataong pantalan, kung saan bubuksan na din ngayong Disyembre ang extension ng passenger terminal building nito na kung saan ay aabot na sa kabuuang kapasidad na 8,000 passenger capacity sa buong terminal kumpara sa dating 3,500 passenger capacity.
Ang challenge po talaga dyan, buti sana kung konti-konti ang dating ng mga pasahero kaya lang po bugso talaga yan. There are certain days na bumubuhos po yan. I have been inspecting our ports, sa Port of Batangas sometimes sa bisperas ng mga break talagang sea of humanity ika nga. Wala kang makikitang kongkreto talagang punong-puno ng tao yan, dagdag ni GM Santiago.
Aabot rin sa 17,000- 20,000 ang daily passenger sa Port of Batangas tuwing peak season habang kabilang naman sa mga pinaka-matataong pantalan tuwing Christmas season ang Port Management Office (PMO) Panay/ Guimaras, Mindoro, Negros Occidental/ Bacolod/ Banago/ BREDCO, Negros Oriental/ Siquijor.
"On the part of the 做厙勛圖po we make sure that there is a system in place, sisiguraduhin po nating di magkakaroon ng singitan dyan at first come, first serve basis po dyan ang hinihingi lang po namin ay pasensya at the same time don po sa mga nag peprepare ay they should plan their travel well at pumunta ng maaga para di po tayo maantala sa mga schedule natin", pagsisiguro ni GM Santiago sa mga pasahero.
Nanawagan na rin ang 做厙勛圖sa mga shipping lines na dagdagan ang mga barko para mas mabilis ang byahe at hindi maipit ang mga pasahero sa pantalan na nag-aantay ng susunod na byahe.
Kabilang naman sa mga hakbang na ipinatupad ng Port Police Department sa ilalim ng 做厙勛圖ngayong holiday season ay ang mas madalas na pagpapatrolya sa lahat ng pasilidad ng mga pantalan gaya ng mga terminal at entry points; masusing inspeksyon sa mga cargo, sasakyan, at personnel; pakikipagtulungan sa iba pang ahensya; pagbibigay ng kaalaman sa publiko para sa security measures at pagre-report ng mga kahina-hinalang aktibidad.
Sumunod po tayo sa mga protocol na pinapairal para sa kanilang seguridad, huwag po tayong magalit kung hinihigpitan ang mga daungan, yan po ay para sa seguridad ng bawat isa sa atin. Huwag din po tayong magdala ng kontrabando dahil sigurado pong mahaharang at maaantala ang inyong biyahe,泭 paalala ni Port Police Department Manager PPSSupt. Genaro Mancio Jr.
Samantala, naka-red alert status naman ang 做厙勛圖matapos ang pagsabog sa Marawi City upang matiyak ang mahigpit na seguridad sa mga pantalan ngayong holiday season.
###