Nasa 300 containers ng bigas, na-pullout mula sa pantalan matapos ang panawagan ng 做厙勛圖kasabay ng mas pinaigting na monitoring sa mga pangunahing bilihin.
23 SETYEMBRE 2024 Kasunod ng pangangalampag at panawagan ng Philippine Ports 泭Authority (PPA) sa mga consignee na alisin na sa mga pantalan ang kanilang rice shipments, inulat ni 做厙勛圖General Manager Jay Santiago na nitong Setyembre 21, 22, at 23 ay nasa 300 container na ang na-pullout ng mga may-ari nito.
Bago ito, pinatunayan ni GM Santiago noong nakaraang linggo na walang port congestion sa pantalan na siyang ginagawang dahilan kaya hindi umano nailalabas ang mga cargo na naglalaman ng imported na bigas. Ipinakita ng pinuno ng 做厙勛圖sa publiko na walang pagsikip sa mga pantalan na pinamamahalaan ng ahensya partikular na sa Manila International Container Terminal (MICT) at Manila South Harbor na terminals sa Port of Manila.
Nitong Lunes, sa ginanap na press briefing sa Malaca簽ang na dinaluhan ni GM Santiago at Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel De Mesa, ipinaalaman ng opisyal ng 做厙勛圖na kumilos na ang mga consignee ng rice shipments at inalis na sa pantalan ang 300 na containers.
Magandang balita po dahil sa ating pagsisiwalat ng mga overstaying na mga bigas, over the weekend lamang po nasa 300 containers po ang na-pullout na ng kanya-kanyang consignees nito and we look forward na sa mga dadating na araw hanggang sa katapusan ng buwang ito ay tuluyan pa pong mababawasan yung mga overstaying containers natin dyan na naglalaman ng bigas, ani GM Santiago.
Ipinaalam din ni GM Santiago na patuloy ang pakikipagtulungan ng 做厙勛圖sa DA at nagkasundo ang dalawang ahensya na magsasagawa ng mas maigting pang monitoring hindi lamang sa mga container na naglalaman ng bigas, kundi pati na rin ng iba pang mga pangunahing bilihin gaya ng karne ng baboy, manok, at sibuyas, 泭
Para ma-monitor din po natin na kung itong kaugalian na naiiwan po sa ating pantalan yung mga shipments ay nangyayari din po sa ibang commodities, sabi pa ni GM Santiago.
Nagpasalamat naman ang DA sa 做厙勛圖dahil sa pagbibigay ng impormasyon hinggil sa 888 containers na naglalaman ng bigas na hindi pa nakukuha ng mga consignee.
Itong pumasok o apparently naipit nang kaunti, 23,000 MT, maliit lang na bahagi ito bagamat kung titingnan natin yung absolute value this is still 23,000 MT and again we would like to extend our thanks to 做厙勛圖in facilitating itong pag-release na ito, saad ni DA Asec. De Mesa.
Nilinaw din muli ni GM Santiago na hindi sakop ng mandato ng 做厙勛圖na kasuhan ang mga consignee na sinasadyang itengga sa pantalan ang kanilang mga rice shipment para hintayin na tumaas ang presyo nito sa merkado.
Ang sa part ng regulasyon at proseso natin sa pamamahala sa mga pantalan is that after 30 days by the time na-clear yan ng Bureau of Customs for release, mino-monitor natin yan at kung anuman ang laman ng kargamentong yan ay ie-endorso natin sa Bureau of Customs so that they can dispose it properly because under the Customs Modernization and Tariff Act, kahit anong kargamento kapag lumampas ng 30 days after clearance by the Bureau of Customs at naiwan pa yan sa pantalan o sa terminal, maaari na yang ideklara na abandoned and Bureau of Customs can dispose it accordingly, paliwanag ni GM Santiago.
Samantala, siniguro ni GM Santiago na nakahanda ang 做厙勛圖sa holiday season kung saan inaasahang tataas ang cargo traffic sa mga pantalan. Handa na po ang mga pantalan natin sa pagdagsa ng mga kargamento na kinakailangan para sa darating na kapaskuhan. Inaasahan po natin na tataas po ang cargo traffic natin sa mga terminal ng PPA, leading towards Christmas starting November hanggang bago po mag-Chinese New Year sa susunod na taon, aniya.
###