
Tiniyak ng °µÍø³Ô¹Ïang pagsunod sa mga safety protocols sa mga pantalan bago dumating ang Tropical Storm ‘Marce’, kasunod ng pinsalang dulot ni Bagyong ‘Kristine’.
Ìý
04 NOBYEMBRE 2024 — Bago pa man ang inaasahang pagtama ng Tropical Storm Marce, maaga pa lamang ay nagpalabas na ng direktiba ang pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA) sa lahat ng mga port management offices (PMOs) nito sa buong bansa na ipatupad ang standard operating procedures tuwing mayroong sama ng panahon upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at iba pang port user lalo na sa mga pantalan na naapektuhan ng nagdaang bagyong Kristine.
Bagama’t mayroong mga naitalang nasirang port facilities dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine, lahat naman ng mga pantalan na nasa pamamahala ng °µÍø³Ô¹Ïay fully operational at bumalik na sa normal ang mga biyahe. Nagpapatuloy ang pagsasaayos ng mga pasilidad na nasira ng huling bagyo gaya sa PMO Batangas kung saan may nasirang solar powered lamps, lighting facilities, at cyclone wire fence.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kumikilos ang bagyo sa hilaga-kanluran bahagi ng bansa. Inaasahang aabot sa Wind Signal No. 4 ang pinakamataas na wind signal na ilalabas ng ahensya dahil sa nasabing bagyo.
Kaya naman, inatasan na ni °µÍø³Ô¹ÏGeneral Manager Jay Santiago ang lahat ng port manager sa bansa na ipatupad ang mga hakbang para sa kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng mga pantalan, kasama na rin ang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, shipping lines, at port terminal management operators.
Sakaling muling magkaroon ng mga stranded passenger dahil sa sama ng panahon, nagpapatuloy ang hakbang ng °µÍø³Ô¹Ïpara matulungan ang mga apektadog pasahero sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng pagkain gaya ng lugaw at iba pang relief food pack katuwang ang local government unit (LGU) at Department of Soacial Welfare and Development (DSWD).
Matatandaan na mayroon na ring ugnayan ang °µÍø³Ô¹Ïat DSWD para sa paglalagay ng mga Ìýpre-positioned food packs sa mga pantalan bilang paghahanda sa panahon ng kalamidad. Ang proyektong ito ay makatutulong sa mga pasahero na maaantala ang mga biyahe at pati na rin sa iba pang oras ng emergency.
Bukod pa sa libreng pagkain, tinitiyak din ng °µÍø³Ô¹Ïna mayroong libreng water refilling stations, charging stations, at nakaantabay na mga °µÍø³Ô¹Ïpersonnel sa mga Passenger Help Desk para agad na matulungan ang mga pasahero na mangangailangan ng tulong. Ìý
Samantala, nakiisa ang °µÍø³Ô¹Ïsa pagtaas ng watawat ng Pilipinas sa half-mast bilang pag-alala sa mga nasawi dahil sa paghagupit ng Severe Tropical Storm Kristine. Dineklara ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang Nobyembre 4, 2024 bilang Day of National Mourning para makiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ng mga pumanaw dahil sa bagyo.
###