PPA: WALA NANG STRANDED SA MGA PANTALAN; GM SANTIAGO NAG-INSPEKSYON MATAPOS ANG BAGYONG ‘ENTENG’

PPA: WALA NANG STRANDED SA MGA PANTALAN; GM SANTIAGO NAG-INSPEKSYON MATAPOS ANG BAGYONG ‘ENTENG’

Nagsagawa ng post-typhoon inspection si ԹGeneral Manager Jay Santiago sa Batangas Port kasunod ng paghagupit ng bagyong 'Enteng'.

SETYEMBRE 3, 2024 –Ngayong araw ika-3 ng Setyembre 2024, wala nang naitalang stranded na pasahero sa mga pantalan na nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine Ports Authority (PPA) kasunod ng pagbuti ng panahon at dahil na rin sa naging maagang paghahanda ng Թkatuwang ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan kaugnay sa pananalasa ng bagyong ‘Enteng’.

Maagang nagsagawa ng post-typhoon inspection si ԹGeneral Manager Jay Santiago sa Batangas Port kasunod ng paghagupit ng bagyo upang matiyak na naibibigay ang sapat na serbisyo para sa mga pasahero na apektado ng kanselasyon ng biyahe ng barko dulot ng sama ng panahon.

Sa huling tala nitong Martes, alas-12 ng tanghali, nananatiling kanselado ang barko ng Starlite patungo sa Calapan. Gayundin ang mga fast craft ng Island Water, Galerian, Montenegro Shipping Lines na patungo naman sa Puerto Galera. Habang kanselado rin ang biyahe ng 2GO na patungo sa Odiongan at Caticlan.

Sa pag-iikot ni GM Santiago sa Passenger Terminal Building ng Batangas Port, tiniyak ang maayos na kondisyon ng pantalan at komportable ang mga pasahero na naghihintay na maibalik sa normal ang biyahe ng kanilang sasakyang barko. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng maayos na pasilidad gaya ng malinis na mga palikuran, libreng charging at water refilling stations, at nakaantabay na mga Թpersonnel sa Malasakit Help Desk, para makapagbigay ng agarang tulong sa mga nangangailangang pasahero.

Nakipagpulong din si GM Santiago at iba pang mga opisyal ng Թsa terminal operator ng Batangas Port na Asian Terminals Inc. (ATI) para matiyak na maayos ang operasyon ng pantalan.

Una nang inatasan ni GM Santiago ang mga port management offices (PMOs) ng ahensya para paghandaan ang epekto ng parating na mga bagyo ngayong panahon ng tag-ulan. Kasama na rito ang pagsisiguro ng kaligtasan ng mga pasahero at iba pang port user at pagbibigay sa kanila ng hot meals o programa ng ahensya na ԹLugaw.

“Malaking bagay na handa ang mga pantalan lalo na ngayong panahon ng bagyo, mahirap na po ang maging stranded, ang role po ng Թay gawing komportable at tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero sa kabila ng masamang panahon,” ani GM Santiago.

Nagpapatuloy ang assessment sa iba pang mga pantalan ng iba’t ibang ԹPMOs sa buong bansa para matiyak na patuloy ang operasyon nito matapos ang pananalasa ng bagyo.

###