DOTr AT °µÍø³Ô¹ÏAGAD NA TUMUGON SA ISYU NG ALTERNATIBONG RUTA SA GITNA NG LIMITASYON SA SAN JUANICO BRIDGE; PAGSASAAYOS NG AMANDAYEHAN PORT IKINATUWA NG MGA TRUCKERS

DOTr AT °µÍø³Ô¹ÏAGAD NA TUMUGON SA ISYU NG ALTERNATIBONG RUTA SA GITNA NG LIMITASYON SA SAN JUANICO BRIDGE; PAGSASAAYOS NG AMANDAYEHAN PORT IKINATUWA NG MGA TRUCKERS

Binisita nina DOTr Secretary Vince Dizon at °µÍø³Ô¹ÏGeneral Manager Jay Santiago ang Amandayehan Port sa Basey, Samar nitong Linggo (Hunyo 8, 2025).Ìý

08 HUNYO 2025 — Pinangunahan ng Department of Transportation (DOTr) at Philippine Ports Authority (PPA) ang pagtugon sa pangako nito sa mga dumadaan sa San Juanico bridge na gawing alternatibong ruta na ang Amandayehan Port sa Basey, Samar para sa mga sasakyan at kargamentong naapektuhan ng limitasyon sa pagdaan sa nasabing tulay na ipinatutupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung saan pinaka-apektado ang mga truckers at mga may kargang higit 3 tons.

Nagsimula ang mabilis na pagkilos ng °µÍø³Ô¹Ïnitong Mayo 9, kung saan pormal na ipabatid ng DPWH ang kakailanganing restriksyon sa San Juanico Bridge, kasunod ng natukoy na isyu sa integridad ng estruktura nito. Agad namang nagsagawa ng inspeksyon ang °µÍø³Ô¹Ïang mga pantalan at naglagas rin ng listahan ng mga °µÍø³Ô¹Ïport na saklaw ng Port Management Office Eastern Leyte/Samar bilang mga potensyal na alternatibong ruta gaya ng mga pantalan Calbayog, Catbalogan, Manguino-o, Tacloban, at Carigara.

Bukod sa mga alternatibong ruta na inilabas ng PPA, dahil sa lokasyong pinakamalapit sa Tacloban Port at estratehikong kinalalagyan, inirekomenda rin ng DPWH ang Amandayehan Port na isang fishing port at pinamamahalaan ng local government unit (LGU), bilang pangunahing alternatibong ruta. Bagamat ang Amandayehan Port ay LGU port at hindi sakop ng PPA, sinuri at ininspeksyon rin ito ng °µÍø³Ô¹Ïat ang posibilidad ng paggamit nito bilang alternatibong ruta ng mga sasakyang pandagat, partikular na ang mga RoRo at LCT vessel dahil sa lapit nito sa Tacloban Port.

Matatandaang nitong Mayo 25, nagtungo na agad sa pantalan sina DOTr Secretary Vince Dizon at °µÍø³Ô¹ÏGeneral Manager Jay Santiago para sa isang inspeksyon kasama ang iba pang lokal na pamahalaan. Sa direktiba ni Secretary Dizon, ipinag-utos ang pagpapabilis ng lahat ng permit processing at ang agarang deployment ng mga barko, habang binigyang-diin ni GM Santiago ang kahalagahan ng pagsunod sa matataas na pamantayan ng pampublikong serbisyo habang isinasagawa ang mga prosesong ito.

Ngayong Linggo (Hunyo 8, 2025), muling bumalik sa Basey sina Secretary Dizon at GM Santiago upang personal na tingnan ang katayuan ng operasyon ng Amandayehan Port. Sa kanilang pagbisita, pinagtibay ng mga opisyal na ang ginawang mabilisang pagtugon ay hindi lamang pagpapakita ng kakayahan ng pamahalaan kundi patunay ng isang administrasyong tumutupad sa pangako—isang pamahalaang nakikinig at kumikilos para sa kaginhawahan ng bawat Pilipino.

Inaasahan na malaking ginhawa ang idudulot nito para sa mga truck at kargamento na hindi na makatawid sa San Juanico Bridge.

###