
Tiniyak ng 做厙勛圖na malinis at ligtas ang mga pantalan sa gitna ng paghahanda para sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral.泭
14 HUNYO 2025 Siniguro ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago na nakataas na ang pinaigting na seguridad, gayundin ang pagkakaroon ng maayos at malinis na mga pantalan bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Balik Eskwela 2025 para sa inaasahang mga pasaherong babiyahe para sa pasukan ng mga estudyante.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na tiyakin na magiging maginhawa at ligtas ang biyahe ng mga pasahero sa mga pantalan, lalo pang pinaigting ng 做厙勛圖ang seguridad at kahandaan sa operasyon ng mga pantalan na pimamahalaan nito sa buong bansa ngayong balik-eskwela.
Ayon kay 做厙勛圖General Manager Jay Santiago, bago pa man ang pagbabalik-eskwela ay nagsagawa na ng mga paghahanda ang ibat ibang Port Management Offices (PMOs) sa buong bansa para matiyak ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero.
Sa tulong ng ating pakikipagtulungan sa iba pang ahensya ng pamahalaan, sa pamumuno ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, nasisiguro po natin na ang ating mga estudyante at kanilang pamilya ay mayroong maayos na magagamit na pantalan sa kanilang pagbiyahe, saad ni GM Santiago.
Sa Luzon, ang 做厙勛圖PMO NCR North ay nagsagawa ng coordination meeting kasama ang NorthPort, 2GO Shipping Lines, at ibat ibang ahensya para paghandaan ang balik-eskwela. Tinalakay ang seguridad, contingency plans, at maayos na daloy ng trapiko at pasahero sa pantalan.
Sa Visayas naman, matagumpay na isinagawa ng PMO Western Leyte/Biliran ang Pre-Oplan Coordination Meeting sa Ormoc City, na nakatuon sa seguridad, pamamahala ng pasahero, at emergency protocols sa Port of Ormoc. Nagsagawa rin ang kanilang Port Police Division ng inspeksyon sa lahat ng pantalan upang suriin ang kahandaan ng mga security equipment at disaster preparedness measures ngayong tag-ulan.
Habang sa Mindanao, ang PMO Agusan ay nakipag-ugnayan sa law enforcement agencies at port stakeholders para sa seguridad at maintenance ng mga security equipment. Nagkaroon din ng refresher lectures para sa personnel, post-to-post inspections, at nakatakdang access control drill. Samantala, ang PMO Soccsargen at PMO Zamboanga ay lumahok sa Brigada Eskwela bilang suporta sa sektor ng edukasyon.
Sa tulong ng mga inisyatibang ito ng ibat ibang PPA-PMO sa buong bansa, pinagtitibay ng ahensya ang layunin nito na magkaroon ng ligtas, episyente, at maayos na serbisyo sa publiko.
###