15ÌýENERO 2024, MANILA — Bunsod ng sama ng panahon dala ng hanging amihan, nabawasan ang biyahe ng mga barko sa rutang Matnog, Sorsogon – Allen, Northern Samar mula noong Linggo hanggang nitong Martes (Enero 14 hanggang 16, 2024).
Ang 13 Roll-on Roll-off (RoRo) vessel sa nasabing ruta ay nakapagtala lamang ng 25 biyahe kada araw mula sa normal na 30 na biyahe kung walang sama ng panahon. Nagdulot ito ng pagsisikip sa pantalan at pila ng mga sasakyan na umabot sa nasa 180 unit ng truck.