23 ENERO 2024, MANILA —ÌýMakulay at masayang pagsalubong ang bumungad sa mga turistang lulan ng international cruise ship na Resorts World One matapos itong dumaong sa Manila South Harbor ngayong Martes, Enero 23, 2024.Ìý
Gaya ng naging aksyon sa mga naunang international cruise ship na dumaong sa bansa ngayong Enero – ang MV Vasco Da Gama at MV Westerdam – maagang pinaghandaan ng pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA), katuwang ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan, ang pagdaong ng Resorts World One. Ito’y upang masiguro na ligtas at maayos ang pagdaong ng nasabing barko.Ìý